top of page
< Back

Glomerulonephritis

Ano ang Glomerulonephritis?

Ang Glomerulonephritis (o GN) ay isang kondisyon kung saan namamaga o nasisira ang maliliit na salaam ng kidney na tinatawag na glomeruli. Ang mga salaam na ito ang naglilinis ng dugo at nag-aalis ng dumi at sobrang likido na inilalabas sa pamamagitan ng ihi. Kapag nasira ang mga ito, maaaring maipon ang dumi at tubig sa katawan.

 


Ano ang sanhi nito?

Ito ay maaaring sanhi ng mga sumusunod: problema sa sistemang panlaban ng katawan; impeksiyon (tulad ng mga impeksyon dulot ng streptococcus, hepatitis virus, HIV); mga sakit gaya ng lupus o diabetes. Sa ilang kaso, hindi tiyak kung ano ang sanhi.

 


Ano ang mga karaniwang sintomas nito?

  • Pamamanas sa mukha, kamay, o paa

  • Mabula o foamy na ihi (senyales ng protina sa ihi)

  • Maitim o kulay tsaa ang ihi

  • Altapresyon

  • Madaling mapagod

 


Delikado ba ito?

Maaari. May mga kondisyon na banayad lamang at gumagaling nang kusa. Maaaring mauwi sa permanenteng pinsala sa bato kung hindi ito maaagapan. Mahalagang magpatingin agad kung may sintomas.

 


Paano ito sinusuri?

Maaaring magmungkahi ang doktor ng mga pagsusuri sa dugo at ihi upang malaman ang kalagayan ng mga kidneys. Gayunpaman, kailangang magsagawa ng "kidney biopsy" upang makumpirma  at malaman ang uri ng glomerulonephritis. Mahalagang makipag-ugnayan sa inyong doktor upang mapag-usapan ang "kidney biopsy".

 


Paano ito ginagamot?

Depende sa sanhi, maaaring kabilang sa gamutan:

  • Gamot para pababain ang blood pressure at alisin ang pamamanas

  • Antibiotics kung dulot ng impeksyon

  • Gamot para pahupain ang immune system

  • Pagbabago sa pagkain, tulad ng pagbabawas ng asin

  • Dialysis sa mga malubhang kaso

 


Ano ang mga maaaring gawin upang mapangalagaan ang kidneys?

  • Pag-inom ng gamot ayon sa reseta

  • Pagbago sa pagkain ayon sa payo ng doctor

  • Pag-iwas paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak

  • Pag-kontrol sa blood pressure at blood sugar

  • Pagsangguni nang palagian sa doktor



Tandaan:

Kung mas maagang matukoy, mas madali itong maaagapan. Kung may kakaiba sa ihi o may pamamanas sa katawan, huwag itong ipagsawalang-bahala. Kumonsulta agad sa iyong doktor.

bottom of page